Guests: Dr. Veronica Esposo Ramirez Professor, University of Asia and the Pacific; Holder, BPI Professorial Chair for Migration and Overseas Filipino Work Mr. Bansan Choa CEO and Chairman, IRemit Global Remittances Dr. Antonio N. Torralba Professor, University of Asia and the Pacific; Holder, Mariano Que Professorial Chair for Family and Youth, UA&P Ms. Sophie Abao BS Psychology, National University Ms. Ara Joy Cruz AB Political Science, Polytechnic University of the Philippines.
Highlights
Ms. Robles: Ano ang pinaka-latest at pinakamahalagang data ukol sa OFW families ang maibabahagi niyo sa amin?
Dr. Ramirez: Siguro, lahat tayo dito ngayon ay may kamaganak, kapitbahay o kakilala na OFW. Mahigit 12 milyong Filipino ang nasa labas ng bansa bilang manggagawa, estudyante, o immigrant. Mayroong mga umaalis at permanente na sa ibang bansa (immigrants), mga temporary (contract workers) 2 to 3 years ang contract at marami rin po ang irregular (undocumented) na iniwan ang pamilya at nangibang-bansa upang magtrabaho. Karamihan sa kanila ay 25 hanggang 34 na gulang. Ang karaniwang hanap-buhay ng mga OFW ay domestic work, labor, o sa serbisyo (hotel, small business sa commercial centers). Halimbawa, pag pumunta kayo ng Hongkong, marami po sa malls, maliit o malaking malls, minsan di ka na kailangang mag-Ingles kasi Tagalog na ang pakikipagusap dahil sa dami ng Filipino. Mayroon ding mga propesyonal, mga 10.6% ang nasa abroad. Umaabot na po sa 2.56 milyong pamilya ang mayroong isang OFW, ayon sa survey ng SWS noong 2010. Ang mga rehiyon na may pinakamaraming OFW ay Calabarzon (Reg. 4A 20.7%), Central Luzon, (Reg. 3 13%), NCR (9.5%), Western Visayas (Reg. 6 9.5%). Ang may pinakamaunting OFW ay sa Caraga (1.7%). Karamihan ng mga OFW ay nasa Saudi Arabia, UAE, Kuwait at HongKong. Sa mga darating na taon, magkakaroon na tayo ng mas maraming domestic and service workers sa China, Japan and Europe. Ihanda po natin ang mga pamilya dahil ‘yun po ang direksyon ng mga family members na gustong mag-OFW. Karamihan sa kanila ay tumatagal ng 3 taon bilang OFW, ang iba naman ay naglalagi sa trabaho hanggang makatapos ng kolehiyo ang mga anak. Batay sa mga health benefit claims sa OWWA at PhilHealth, ang mga karaniwang sakit ng OFWs ay nasa mga body systems na Cardiovascular (hypertension, ischemic heart disease); Digestive (ulcer, appendicitis, abdominal mass); Reproductive system (breast cancer, cervical cancer, uterine bleeding, myoma). Sa Middle East naman, ang karaniwang reklamo sa kalusugan ay hypertension (21%) at hepatitis (20.5%), Sa Asia ay hypertension and high cholesterol.
Fr. Ferreras: May datos ba tayo kung ilan ang umaalis araw-araw? Sa pag-aaral ba ninyo, nadaragdagan o umuunti?
Dr. Ramirez: Umaabot na po ng humigit kumulang 4,000 ang umaalis araw araw.
Mr. Choa: 70% ng mga umaalis ay land-based, 30% ay sea-based. Ang land-based ay mga nagtatrabaho na nakatira sa lupa. Ang mga sea-based ay ang mga nasa barko. Pero hindi ibig sabihin mga marino sila. Yung iba sa kanila ay nasa cruise ship at ang base niya ay nasa loob siya ng barko. Based on statistics, hindi lahat ay bagong alis. Ibig sabihin, after their contract, narere-hire sila and that constitutes about 60 to 70%. Ang bagong nadedeploy taon-taon ay 30% lamang. Sa ganda ng performance ng ating mga kababayan, they were most likely rehired. Bibihira ‘yung mga nate-terminate. Kaya ang mga contract na three years ay nagiging nine years, kung minsan 20 years, hindi lang hanggang maka-graduate ang mga anak nila. Kung minsan, pinakikiusapan silang magtrabaho na hanggang sa lumaki ang mga anak ng mga employer nila. Ang maganda sa mga Filipino, hindi lang immediate family ang tinutulungan ng remittances nila. Minsan pati na mga kapitbahay at mga kamag-anak nila. Ang trabaho ng mga Pilipino ay depende sa country. May mga bansa na mas maraming domestic helper. May mga country din na marami ang professional. Sa Singapore, about eight years ago, karamihan ay domestic helper. Ngayon, 80% na ang professional at 20% na lang ang domestic helper doon. Sa Hongkong, mas marami pa rin ang domestic helper at kaunti lang ang professional. Sa ibang bansa like Canada, according to the Ambassador, there are already 800,000 Filipinos. Sa Australia at New Zealand, marami na ang pumupuntang Pilipino and some are becoming immigrants. May mga countries, after 3 years ang contract ay pwedeng maging immigrant, while in other countries, migrant workers are not allowed become immigrants or citizens.
Ms. Robles: Bakit binigyang tuon ng UA&P ang usapin ng OFWs?
Dr. Torralba: Ang UA&P ay mayroong BPI Professorial Chair on Migration and Overseas Filipino Work kung saan si Dr. Ramirez ang Holder. Ito ay nagbibigay focus sa OFWs, ang kabuuang larawan ng OFW para sa policy making. Gusto po kasing tutukan ng UA&P ang policy to help government make policies on OFWs. Ako naman po ang Holder ng Mariano Que Professorial Chair on Family and Youth. Ito ay nakatutok sa individual stories. In other words, behind statistics, kung ang population ay two million, there are two million stories. We are fortunate because we had the opportunity na makilala ng personal ang mga taga-public and private schools. Bawat isa sa kanila ay may individual story at bawat story ay nangangailangan ng atensyon. ‘Tahanan’ is where love and care come in. Dito na muna kayo ‘tumahan,’ meaning ‘seek comfort here.’ Meron nagsabi na anak ng isang OFW na yung absence ng tatay niya at nagkaroon ng mistress, at second and third mistress, ngunit ito ay nasapawan ng presence ng kaniyang mga kapatid na lalaki. In individual pastoral work, mukhang mahirap magkaroon ng pangkalahatang larawan dahil bawat isa ay may faith, hope, and charity.
Ms. Robles: Kumusta naman ang buhay pamilya? Sino sa inyo ang miyembro ng pamilyang OFW?
Ms. Cruz: Ako po ay may pamilyang OFW. From 2011-2014, during those years, hindi visible ang technology. Ang communication ko with my mom ay hindi ganoon ka-frequent. That time, sa Jordan ang mother ko as domestic helper. Once a month lang nagkakausap. Dalawa silang nag-abroad dati. Today, sa mga tao or family na may family member na nasa abroad, they are blessed kasi may Facebook at iba pang means of communication. I saw my family na close to perfection. Hindi possible na magkahiwalay ngunit nauwi rin sa paghihiwalay. Twice a year lang nagkikita-kita. Pasko at Bagong taon. Medyo lumayo ang loob namin sa father namin.
Ms. Robles: Masasabi mo ba na ang pag-alis ng iyong ina ang puno’t-dulo ng gulo sa pamilya?
Ms. Abao: I personally believe na hindi po. Kasi a lot of families today, kahit magkakasama ay may problema din. Kahit malayo sa isa’t-isa, kapag buo ang isang tao, lalo na sa loob ng tahanan, napupunan naman ang needs lalo na ng love. Kailangan ng tao ang pagmamahal. Nakita ko rin ang sarili ko at naisip na maybe we failed na maipakita ang love sa tatay namin.
Ms. Cruz: Before, okay ang pamilya namin. Tatlo kaming babae. Ako ang favorite ng father ko. Kaya lang, nalulong sa sugal ang father ko. Lahat ng naipundar nila ay nawala. Dumating sa time na muntik na maghiwalay ang parents ko. There was one time na nagnakaw ang father ko ng pera sa mommy ko. Galit na galit ang mommy ko. Pero nakita ko na strong ang family ko. Never ko po nakita na umiyak si mommy sa harap ko. Na-realize ng daddy ko na walang pupuntahan ang ginagawa niya. Nawala ang trabaho niya, business at nagkaroon ng sobrang daming utang. Tapos, nag-abroad siya. Okay lang daw na mapalayo siya sa amin physically para at least naibibigay niya yung needs namin. Na-realize niya na kailangan niya ng time na umalis para ma-build ulit yung relationship nila ng mother ko. Noong 2012, pumunta siya sa Qatar and nag-stay ng two years. Umuwi siya noong 2015. Pagbalik niya, nag-stay siya ng one year. Bumalik ulit ang bisyo niya, yung pagsusugal. Medyo nabayaran na ang mga utang. Naimpluwensyahan ulit siya ng mga kaibigan. Sabi ng mommy ko, pagod na raw siyang pagsabihan ang daddy ko. Bahala na siya kung ano ang gustong gawin sa buhay niya. Na-realize ulit ng daddy ko na magbago ulit. Bumalik siya abroad, sa Abu Dhabi and three years naman po siya dun.
Ms. Robles: Totoo nga ang sinabi ni Dr. Torralba na bawat bata, bawat pamilya, bawat tahanan, may istorya. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, gusto mo bang maging OFW?
Ms. Abao: Noong bata po ako, ni-look forward ko na sa future mangingibang-bansa ako. Siguro personal choice na gusto kong maranasan kung ano ang pakiramdam na nasa ibang bansa ka. Pero habang lumalaki ako, napagtanto ko na pupunta lang ako doon kapag magbabakasyon. Iba po kasi ang pakiramdam talaga na malayo ka sa taong mahal mo. Pero kagaya ng napag-usapan namin nung nagkaroon po ng conference sa UA&P, mahirap tapusin sa salita na hindi ako pupunta doon kasi at the end of the day, magbabase yun sa pangangailangan ng mahal mo sa buhay.
Ms. Robles: Kapag ikaw ay may asawa na, pahihintulutan mo ba ang asawa mo na mag-abroad? Ms. Cruz: I’m really hoping na dumating yung time na ang mga Pilipino will no longer need to go abroad dahil sa mga pangangailangan. Nandoon yung hope ko na soon, makapag-provide ang Philippine government ng mga trabaho para magsusustain sa bawat pamilya. As much as possible, huwag na sila umalis. Kung aalis man, para magbakasyon.
Dr. Ramirez: Tungkol sa pagkabaon sa utang ng tatay ni Sophie, isa talagang problema ng OFWs yang utang. Ayon sa pagaaral ng Enrich Financial Wellness sa HongKong, umaabot ng mula 46% hanggang 60% ang legal na interest rate sa loan o utang. At may 90 to 97% na migranteng domestic workers ang may utang. May kasabihan nga na “Kahit walang ipon, basta may I-phone.” Sa mga OFWs, ang pag-utang ay ginagawa sa lahat ng antas ng overseas work: mula aplikasyon, pag-alis, pagtatrabaho at pagbalik sa bansa. Mayroong OFW na nagbabayad pa rin ng utang kahit tapos na ang tatlong taong kontrata. Kaya naman kailangang tumulong ang naiwang kapamilya at hindi lagi na lang maraming gustong bilhin. Tulungan dapat natin ang OFWs na makapag-pundar at makapag-ipon.
Ms. Robles: Ano naman ang mga initiatives ng IRemit at ano ang masasabi ninyo sa encounters ninyo sa mga OFW?
Mr. Choa: Mayroong mga publication ang mga NGOs at government agencies tungkol sa successful OFWs. Kaya hindi tamang sabihin na lahat ng OFWs ay nagkakaroon ng problema. Ang UA&P, meron silang ina-acknowledge na success stories. Yung 700 Club, they give awards. Ang DOLE, meron ding awards. Sa iba’t ibang bansa na may mga Filipino organizations, nagbibigayan din ng award ang mga successful OFW. Mayroon kaming partnership with organizations at isa na dito ang UA&P. Nag-umpisa yan noong 2012. Nag-form kami ng working group para maintindihan kung ano ang problema ng mga OFW. Ang problema kasi, ang mas napu-publicize ay ang mga may problemang OFW families. Karamihan sa mga umaalis, may guilt dahil iniwan ang kanilang pamilya. Nangungutang tuloy sila para maibigay ang luho ng mga taong naiwan dito. Maraming organization na may mga seminar for OFW distressed children. Binibigyan sila ng two-day seminar para maintindihan nila na kaya umaalis ang parents nila ay para din sa kabutihan nila. Napakahirap sa family na umalis ang parents. Sa totoo lang, kung mabibigyan daw sila ng trabaho, kahit kalahati lang ng sweldo, payag silang maiwan dito sa Pilipinas. If you exclude lahat ng expenses at utang, hindi nila gugustuhin ang umalis. Yung sinasabi ninyo na wala ng magtatrabaho sa abroad, hindi po yun mangyayari. Unang-una, yung iba, gusto nilang pumunta dun para ma-unify with their families na nandoon na. Iyan yung tinatawag nating unification. Imposibleng walang umalis kasi marami sa atin ang pamilya ay nasa labas na talaga. Pangalawa, karamihan sa kanila, gustong ma-improve ang knowledge lalo na ang mga professional, they have to get experience na galing sa ibang bansa. Kaya mayroong program ang PRC right now to have Memorandum of Understanding sa mga bansa na pwedeng yung professionals natin ay makapag-practice din dun sa bansa nila. At yun ang magiging way para makapag-renew sila ng lisensya. This is part of the reintegration program na gusto naming ipromote sa mga tao habang nagtatrabaho sa abroad para tuloy-tuloy ang kanilang experience at pagbalik nila, they can use their experience at mag-practice sila dito sa Pilipinas on the profession that they have. Pangatlo, we have to have exchange programs. Payagan natin ang mga foreigner na pumunta rito at payagan din ang mga tao natin na mag-trainee. Hindi lahat ng problema ay sa OFW lang. May mga problema din ang mga naiwan dito. We have to distinguish between internal problems and the external factors ng problem. Halimbawa, dahil nga maganda na ang technology ngayon, ang pag-uusap ng family ay mabilis na. Ang recommendation namin ay magbigay ng assistance ang gobyerno kapag may mga problema and mga pamilyang OFW.
Ms. Robles: Maliban sa epekto ng OFW sa mga bata, paano natin naihahanda ang mga pamilya para sa financial management?
Mr. Choa: Ang IRemit ay may program na tinatawag na ‘Be-FIT, Be Financially Intelligent and Trained.’ Dito ay binibigyan namin ng seminar hindi lamang ang mga nasa abroad kundi pati na rin ang mga pamilya nila na andito sa Pilipinas. Tinutulungan namin sila kung paano mag-invest. We developed this program nine years ago. Inumpisahan namin iyan sa Singapore. Then pumunta kami sa Hongkong, Australia, New Zealand, even the Middle East. We found out na hindi lang sila ang dapat turuan kundi pati na rin ang mga naiwan dito. Hindi lahat ng OFW ay forever magiging OFW. Paano kung nagkasakit sila o nag-retire sila? Isa sa pinakamalaking problema ngayon ng lahat, hindi lamang ng mga OFW ay tungkol doon sa mga foreign banks na nagsasara ang mga bank accounts. Because of that, tumataas ang service fee at bumababa ang interest rate nila. May mga countries na hindi ka na pwedeng magpadala through remittance companies kasi wala na silang bank account sa OFW country of work.. Ang nangyayari, they are forced to send their money sa mga foreign banks. Tapos ang charges ay two to three times higher at ang interest rate ay normally lower than what the remittance companies give. Ang request namin, the government should step up. Ang nawawala sa Pilipinas ay P93 billion pesos kada taon dahil dito. The government should talk to foreign banks na huwag nilang pagbawalan na magbukas ng account and sinuman. Ang reason nila ay dahil sa AMLC, wala pa kaming nakikitang bangko na namultahan dahil sa remittance. Ang mga namumultahan na bangko ay because of wire transfer. Ang remittance ay hard-earned money of our workers regardless of country, ipinapadala sa family for consumption. Ang wire transfer ay nagbabayad sila ng utang, nagbabayad ng purchases ng goods na malalaki ang amount. Karamihan ng remittance companies dito sa Pilipinas na nag-ooperate abroad, they comply kaya binibigyan sila ng lisensya ng Bangk Sentral ng Pilipinas, they also get license from other countries.
Ms. Robles: Paano titiyakin na mababalanse ang epekto ng social cost vs. economic assistance? Dr. Torralba: Nasasaad sa Bibliya, “The poor, you will always have with you.” Pwede nating sabihin “The OFW, you will always have with them.” Siguro ang Pilipinas it will take time to progress at magkaroon ng paglinang. Kung ating bibigyan ng katatagan ang pamilya, ang pamilyang Pilipino. Marahil yung mga desisyon ng pangingibang-bansa ng isa o dalawang magulang kung paano nila gagastusin ang pera, etc. ay maaari nilang pag-usapan, magkaroon ng constant conversation.
Fr. Ferreras: Ako ay apat na taon sa abroad. Ako po ay three years sa Roma nung ako ay nag-aral, pinaaral ako ng butihing Cardinal Sin. Pumunta ng America sa final year para mag-pastoral experience. Sa four years na yun, wala akong inisip kundi umuwi. Tatlong Pasko ang pinakamalungkot sa buhay ko, matindi po ang aking pangungulila. Sa akin, more than the money and everything, may ibang aspeto na dapat tinutugunan at may mga pangangailangan na dapat ding tingnan. Tayong mga Pilipino, ang pagkawalay ay napakahirap. You are emotionally detached from your loved ones. Ito po ang aking karanasan sa Diocese of Cubao, may mga bata na tulala sila, may mga bata na ang tanong, “Kailan kaya uuwi si mama?” Ito ay isa sa tinutugunan sa Family and Life Ministry sa Diocese ng Cubao, yung simbang pamilya. We allow them to participate, magbasa.
Dr. Torralba: Yan po ang hamon sa pamilya: na bago magkaroon ng suliranin, mayroon bang interventions para sa pamilya.
Fr. Ferreras: Sa Diocese ng Cubao, mayroon tayong tinatawag na “enhancing the couples and family” yung third option. Ang first option, automatic hiwalay kung hiwalay. Ang second option ay magtitiis. The third option is continuing dialogue. Kaya mayroon kaming programa na third option program. Meron din bago pumasok sa kasal, preparation Pre-cana at Post-cana. Yung mga matatanda, yung Parenting and Grand Parenting Program. Kasi maraming mga lolo at lola ang trabaho domestic helper, sila ang mga nag-aalaga ng mga apo.
Ms. Robles: Ano pong message ninyo para sa mga may magulang na nasa ibang bansa?
Ms. Cruz: “Huwag maputol ang koneksyon. Naniniwala ako na sobrang halaga nito sa isang pamilya o sa isang relasyon na hindi yun maputol. Nawa talaga, lalo na yung mga anak na huwag tayong magkulang, dumating man yung point na busy na tayo pero talagang sa loob ng kahit isang araw magawa natin na kumustahin sila even ‘yung mga words na “I love you!”, “Miss na kita”, “Mag-ingat ka diyan.” Sobrang halaga po noon kahit sabihin natin na mga salita lang yun pero iba yung impact noon na magagawa sa mga minamahal natin sa ibang bansa. At regarding sa mga nasabi na rin nila na tungkol sa paggastos, even sa ibang aspekto, we are blessed na nakakarinig tayo ng mga ganito, may opportunity na ganito and it’s time na di lang siya mag-remain na mga salita, pero mai-apply natin ito sa mga buhay natin lalo na magiging long-term na solusyon din ito sa iba’t-ibang bagay sa buhay natin.
Ms. Abao: “Pinakamahalaga talaga yung communication not just between the parents, sa mag-asawa, pati rin sa mga anak kasi iba yung epekto nito sa mag-asawa saka sa mga anak. Isisingit ko lang po yung sinabi ni Fr. Henry na love, faith, and hope. Hope na magiging okay ulit yung sitwasyon sa family and sa mga taong nakapaligid sa atin. Yung faith sa taong nasa ibang bansa o mahal mo sa buhay na malayo sa iyo. Yung faith na uuwi siya, babalik siya. And pagmamahal, kapag tama yung foundation na meron kayo sa family or sa taong mahal mo, kahit saan siya pumunta, pag bumalik siya rito, ganoon pa rin yung relationship na meron kayo.”
Dr. Torralba: “Sana yung simbahan, yung pamahalaan, yung mga paaralan, universities, ay bigyang tutok yung pagiging pamilya at magulang. Dahil isa po iyan sa very good shield against difficulties, challenges, that are presented in any situation such as, for example sa OFW. Pangalawa, dito sa lupa, dapat magkaroon ka ng pananampalataya na matibay sa Panginoon, pagdarasal at may basbas ng simbahan ang iyong relasyon sa iyong asawa. “Do not let your heart be burdened or afraid, this too will pass.” Walang suliranin na hindi dumadaan sa pananampalataya at sa sariling sikap.”
Bansan Choa: I think the government, the church, and also the private sector should work hand in hand just to make sure na mas maraming matulungan na hindi lumaki ang problema ng mga pamilya… Lahat ng OFW ay may kaniya-kaniyang reason at kaniya-kaniyang problema at karamihan niyan ay maso-solve naman if they are with proper counseling not only on the OFW side but also on the side ng mga naiwan dito sa Pilipinas. Ang pinaka hope namin ay the proper implementation of the reintegration program, para mas dumami ang bumalik dito sa Pilipinas not because they need to work aborad but because they wanted to go abroad because it is a choice for their profession or their career improvement.”
Dr. Ramirez: “Bilang pangwakas, nais ko pong sagutin ang tanong na “Matitigil ba ang pag-alis ng mga Pilipino bilang OFW?” Batay po sa aking pag-aaral ng OFW phenomenon – at salamat po sa Bank of the Philippine Islands sa Professorial Chair na kanilang ibinigay sa UA&P, napagtanto ko po na hindi lang dahil sa mahirap kumuha ng trabaho dito sa Pilipinas kaya tayo umaalis, kung hindi kailangan talaga ang serbisyo ng mga Pilipino sa iba’t-ibang bansa. Hindi lamang tayo ang nangangailangan kung hindi sila rin. Halimbawa, may mga bansa na paunti-unti na ang populasyon katulad ng Japan, France, Italy, Canada, at Singapore din, sabi ni Fr. Henry, kaya kulang sila ng manggagawa. Meron ding mga bansa na mabibilis ang pag-unlad at nangangailangan ng mga manggagawa sa lahat ng sektor ng paggawa. Tayo namang mga Pilipino, mga Katoliko, paglabas natin ng bansa, nakikisalamuha tayo sa mga dayuhan. Yung iba sa atin, nag-aalaga ng mga anak ng dayuhan. Natuturuan natin sila ng kabutihang-asal, kalinisan, at pagiging mabuting tao at dahil diyan, ang values nating mga Pilipino ay naipapasa natin sa mas marami pang tao sa iba’t-ibang bansa. So, sana ay pagbutihin natin ang pagiging OFW natin para maipakita ang pagmamahal natin sa Diyos.”
Learn more about CRC’s contributions in Migration and Overseas Filipino Work. In this field, CRC has brought about in-depth insight into the lives of the millions Filipino migrant workers whose contributions make a sizeable chunk of the Philippine economy – from their education and recruitment in the Philippines to their concerns and life strategies while working overseas, to their successful reintegration upon returning to the country.
The Bank of the Philippine Islands (BPI) Foundation, Inc., established the BPI Professorial Chair for Migration and Overseas Filipino Work (MOFW) on February 3, 2014. For years, the holder of the professorial chair has been undertaking intensive research on migration and development to guide policy makers, and publish teaching resource materials on the integration of migration into the K-12 Basic Education Curriculum subjects.
To find out more about CRC, send an email to [email protected], or message +639054280727, or follow us on LinkedIn. You can also find us on Facebook.